News & Updates

MGA BETERANO NG WORLD WAR II, BIBIGYANG PUGAY SA ISASAGAWANG 78th LINGAYEN GULF LANDINGS AT 16th PANGASINAN VETERANS DAY

Ika nga ni Richard “Doc” Hastings na isang U.S. representative ng Washington, “We owe our World War II veterans-and all our veterans-a debt we can never fully repay.” Kaya sa paggunita sa kadakilaan at kabayanihan ng mga World War II veterans, ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Ramon V. Guico III katuwang ang Philippine Veterans Bank at Philippine Veterans Affairs Office ay isasagawa ang 78th Lingayen Gulf Landings at 16th Pangasinan Veterans Day sa Veterans Memorial Park, January 9, 2023 bilang pagpupugay sa kanilang sakripisyo upang makamit ang tinatamasang kapayapaan at kalayaan ng bawat isa. Ito ay sisimulan ng isang Misa ng Pasasalamat sa ganap na alas-siete ng umaga na pangungunahan ni Rev. Fr. Emil A. Soriano ng Epiphany of Our Lord Co-Cathedral Parish na susundan ng Symbolic Wreath Laying Ceremony. Pormal ding bubuksan ang “WAR OF OUR FATHERS”-A Brotherhood of Heroes photo and artifact exhibit na maaaring bisitahin mula Enero 9 hanggang 13 (9:00am-5:00pm) sa Pangasinan Training and Development Center I, Capitol, Complex, Lingayen, Pangasinan. Sa Executive Order No. 0252-2022, sinabi ni Gov. Guico III na ang makasaysayang pangyayari na ito ay napakahalaga upang mabigyan ng pagkilala ang katapangan, pagpapakasakit, at pagkamakabayan ng mga Pilipino partikular ang mga Pangasinan guerillas ng World War II, mga sundalo, freedom fighters at mga bayani ng kasalukuyang panahon.

Related News & Updates

19 November 2024
Gov. Guico shares Pangasinan’s remarkable achievements
15 November 2024
Job placements under Gov. Guico rose threefold compared to the...
11 November 2024
International collaborations to bolster Pangasinan’s healthcare...