News & Updates

KASUNDUAN TUNGKOL SA CLIMATE CHANGE ADAPTATION MEASURES AT DISASTER MANAGEMENT, NILAGDAAN NG PROV’L GOV’T AT STAKEHOLDERS

Nilagdaan ang memorandum of agreement sa pagitan ng probinsiya ng Pangasinan sa pangunguna ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III at Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation stakeholders for environment and mass casualty incidents na ginanap noong Miyerkules, January 25, 2023.

Sa ceremonial signing, kapwa binigyang diin nina Governor Ramon “Mon-Mon” Guico III at Vice Governor Mark Lambino na bukod sa kahandaan sa sakuna gaya ng ginagawa ng Prov’l Disaster Risk Reduction and Management Office, importante rin ang mga mitigating measures patungkol sa climate change.

Kaya dapat anilang bigyang pansin ang reforestation project o pagtatanim ng mga puno sa kabundukan gaya ng adbokasiya ng mga Native Trees Enthusiast.

Kasamang lumagda sila Governor Ramon “Mon Mon” Guico III, Vice Governor Mark Lambino, Provincial Administrator Ely Patague II, Celso S. Salazar, Presidente ng Native Trees Enthusiast at mga representative mula sa mga pribadong kompanya sa Pangasinan.

Related News & Updates

16 January 2025
Gov. Guico veers away from traditional leadership, introduces...
13 January 2025
Super community hospital in Brgy. Gonzales, Umingan is almost...
10 January 2025
Philhealth RTH, Denied Claims declines under Governor Guico admin