Sa regular flag raising ceremony, pinasalamatan ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice-governor Mark Ronald DG. Lambino sa pagpasa ng 2023 Budget. Gayon din ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan sa paglalaan ng oras para maayos at matapos ang annual budget. Aniya, bagamat halos lahat ng LGUs ay may budget cut, nagawa pa ring paglaanan ng kailangang pondo ang bawat opisina.
Binanggit din ng Gobernador ang pagsisimula ng Christmas Season kung saan ang bawat departamento ay naatasang magkaroon ng Christmas decorations base sa tema ngayong taon.
Pinaalalahanan din niya ang Provincial Engineering Office na pinamumunuan ni OIC-Provincial Engineering Office Engr. Amadeo B. Veras at pakikipagtulungan ni Provincial Housing and Urban Development Coordinating Office Engr. Alvin Bigay para mapag-aralan ang epektibong flood control plan sa Capitol Complex. Kanya ding hinikayat ang Sangguniang Panlalawigan na magpasa ng resolusyon at ordinansa kung saan lahat ng itatayong establisyemento ay kailangang kumuha ng clearance sa engineering at housing office.