Provincial Economic Development and Investment Promotion Office

US$503 Milyong Solar Power Projects, Itatayo sa Pangasinan

“Murang kuryente at oportunidad sa trabaho.” Ito ang mga benepisyo sa itatayong Solar Power Plants sa Pangasinan nang lagdaan ang Joint Development Agreements sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, CSFirst Green Agri-Industrial Development Inc., URIT Limited Philippines Corporation at China Energy International Group na ginanap nitong ika-3 ng Mayo sa Urduja House, Lingayen, Pangasinan.

Sa ilalalim ng liderato ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III, napagkasunduan ang pagtatatag ng Solar Power Projects sa bayan ng Infanta at Dasol.

Nagkakahalaga ito ng $503 milyong dolyar. “There’s a looming energy crisis. In some [parts] of the province, there have been power outages. And again, Pangasinan is going to play a key role in contributing to the power requirements of our country,” saad ni Gov. Guico III.

Inaasahang magdaragdag ang proyekto ng renewable energy capacity na 321 megawatts sa energy requirements ng probinsya sa unang bahagi ng taong 2027.

Ayon kay Special Consultant to the Office of the Governor, Dr. Cezar T. Quiambao, magiging mura ang kuryenteng babayaran at malaki ang maitutulong nito sa pag-unlad ng eknomiya ng lalawigan.

Masaya rin niyang ipinamalita na ang Solar Power Projects ang pinakauna at pinakamalaking investment na mangyayari sa Pangasinan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Bahagi ito ng ‘investment initiatives’ ng probinsya.

Ayon naman kay Andy Wu ng China Energy International, “Pangasinan is a very suitable place to develop the Solar Power Plants because of the sunshine…we hope this project can go into operation before year 2026 and 2027.”

Giit ni Gov. Guico, Bukas ang Pangasinan sa marami pang investment initiatives na pangunahing tunguhin ngayon ng bagong lunsad na Provincial Economic Development and Investment Promotion Office (PEDIPO).

“We welcome more investors. The reason that we first set-up our PEDIPO Department headed by Atty. Raymundo Bautista is to encourage many more investors to put their money in the province,” saad ni Gov. Guico III.

#PangasinanProvincialCapitol
#PangasinanAngGaling
#LipadPangasinan