Provincial Economic Development and Investment Promotion Office

Giant Thai company, interesadong mamuhunan sa Pangasinan

Naghayag ng interes ang isang higanteng kumpanya na dalhin sa Pangasinan ang kanilang US$2.5 billion investment.

Sa pakikipagpulong kahapon ni Phaisarn Rewriab,Vice President ng Charoen Pokphand Foods Philippine Corporation (CPFPC) kay Governor Ramon V. Guico III, sinabing malaki ang potensiyal ng Pangasinan para sa aquaculture, swine at poultry production.

Ang CPFPC ay bahagi ng Charoen Pokphand (CP), isang higanteng korporasyon na may ibat-ibang kumpanya sa ibat-ibang industriya sa bansang Thailand at ilan pang bahagi ng Southeast Asia.

Kamakailan ay nakipagpulong ang mga opisyal nito Kay President Ferdinand Marcos Jr. para humingi ng tulong sa paghahanap ng angkop na lugar para sa kanilang itatayong negosyo sa bansa.

Pangasinan ang kanilang unang dinalaw matapos ang nasabing pagpupulong.

Ayon kay Gov. Guico, pag nagkataon, malaki ang maitutulong nito para lalong mapalago ang ekonomiya ng Pangasinan.

Dumalo rin sa pagpulong si Pangasinan First District Representative Arthur Celeste, former Bayambang Mayor Cesar Quiambao at ilang opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan.

(PangasinanPIO)