Dumalo sa isinagawang budget hearing ng Sangguniang Panlalawigan (SP) nitong Nobyembre 3 sa Session Hall, ang iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan upang talayakin ang annual appropriations para sa taon 2023.
Isa-isang nagpresenta ng annual budget ang bawat departamento sa harap ng mga miyembro ng SP sa pamumuno ni Vice Governor Mark Ronald DG. Lambino.
Naroon sa naturang pagdinig si Governor Ramon V. Guico III. Ang naaprubahang annual budget ng buong Pamahalaang Panlalawigan para sa susunod na taon ay umabot sa P5,309,264,809.
Ang kabuuang budget para Annual Investment Plan (AIP) para sa 2023 ay nahati sa mga sumusunod: General Public Services, P1,890,882,907.00; Social Services, P2,229,757,801.00; at Economic Services, P1,188,624,101.00.