Categories
Press Release

Nagsagawa ng libreng sakay sa bangka ang Pangasinan Prov’l Government

Sa pangunguna ng PDRRMO at LGU Bayambang para maitawid ang mga apektadong residente matapos bumagsak ang Wawa bridge sa Bayambang, Pangasinan.
Una rito, nakipag-ugnayan na si Governor Ramon Mon-Mon Guico III sa DPWH region 1 para sa pagsasaayos ng tulay at sa hiling na isama na sa 2023 General Appropriations Act ng ahensiya ang pagtatayo ng bagong tulay sa Bayambang.
Categories
Press Release

MGA SENIOR CITIZEN SA LABRADOR, BINIGYANG PAGPAPAHALAGA

Sa selebrasyon ng 2022 Elderly Filipino Week ay nagsagawa ang LGU-Labrador sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office at Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines ng Induction Program of Municipal Federation of Senior Citizens at Barangay Senior Citizens’ Association Officers sa Motorpool, Labrador.
Naging kinatawan ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III si Special Assistant to the Governor Von Mark Mendoza. Sa kanyang mensahe, kanyang tiniyak na sa ilalim ng pamamahala ni Gov. Guico ay mararamdaman ang serbisyo sa bawat senior citizen.
Ang Elderly Filipino Week ay ginugunita tuwing unang linggo ng Oktubre. Ngayong taon, ito ay may temang: Old Persons: Resilience in Nation Building. Ang selebrasyon ay batay sa Presidential Proclamation No. 470, na inisyu sa panahon ni dating Presidente Fidel Ramos noong September 26, 1994 upang bigyang karangalan ang malaking kontribusyon ng ating nakatatanda sa ating lipunan.
Categories
Press Release

PAGPUPULONG PARA SA REGULAR COASTAL CLEAN-UP DRIVE, ISINAGAWA

a pangunguna ng Provincial Government sa mandato ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III at Department of Environment and Natural Resources gagawing regular ang malawakang clean-up drive sa coastal areas ng Pangasinan.
Ito ang napagusapan sa pagpupulong kaugnay sa joint resolution sa pagitan ng mga bayan ng Bani, Bolinao, Burgos, Infanta, Dasol at Agno na naglalayong pangalagaan ang baybayin at yamang dagat ng lalawigan.
Naniniwala ang Gobernador na sa pamamagitan nito ay maraming oportunidad at investment ang papasok sa lalawigan maliban pa sa turismo.
Una rito, pinangunahan na ng mga empleyado ng kapitolyo ang paglilinis sa Lingayen Beach noong nakaraang Linggo.
Categories
Press Release

Western Pangasinan District Hospital 61st Anniversary Celebration

“We have to be ready to be employed, we have to be ready for livelihood and businesses.” Ito ang mensahe ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III sa ginanap na 61st Anniversary Celebration ng Western Pangasinan District Hospital nitong October 1 sa siyudad ng Alaminos. Aniya prayoridad ng kanyang administrasyon na tiyaking magiging malusog ang mga Pangasinense.
Binigyang diin din ni Gov. Guico ang pagsasaayos ng district hospitals kasama na ang Western Pangasinan District Hospital sa pamamagitan ng Public Private Partnership. Aayusin ang ventilation ng mga kwarto. Kasama rin sa plano ang pagpapatayo ng dialysis centers, eye centers at urgent care facilities.
1961 ng ipatayo ang Western Pangasinan Emergency Hospital na layong bigyang serbisyo medikal ang mga nasa malalayong lugar sa Western Pangasinan.
Dumalo rin sa pagtitipon sila first district Cong. Art F. Celeste , Alaminos City Mayor Bryan Celeste , PCL Pres. Arthur Celeste Jr. , Vice-Mayor Jan Marionne “Ion” R. Fontelera, Mabini Mayor Colin Reyes , Mabini former mayor Carlitos R. Reyes, Bokal Apple Bacay, Provincial Hospital Administrator Dr. Dalvie A. Casilang, Chief of Clinics Dr. Ma. Teresa G. Sanchez, at Chief of Hospital Dr. Susan Rita T. Meriño.
Categories
Press Release

PABAHAY PARA SA MGA "HOMELESS PANGASINENSE", TUTUTUKAN NG IPINASANG RESOLUSYON NG SP

Mas matibay na pagsasamahan sa pagitan ng Pamahalaang Lalawigan ng Pangasinan at ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at attached shelter agencies maging ng Presidential Commission for the Urban Poor, ang inaasahan sa mga darating na araw.
Ito ay bunga ng napipintong paglagda ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III at ng mga kinatawan ng mga naturang ahensya ng Memorandum of Agreement (MOA) sa bisa ng isang resolusyon na inihain ni Sangguniang Panlalawigan Member Philip Cruz at inaprubahan ng lahat ng miyembro ng provincial board sa isinagawang regular session ngayong araw, Oktubre 17.
Isa sa prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ang programang pabahay upang mabigyan ng disente at murang pabahay ang mga ‘homeless Pangasinense.’