Categories
Press Release

Gov. Ramon V. Guico III, nagpasalamat sa miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at mga departamento sa paghahanda at pagpasa ng 2023 Budget

Sa regular flag raising ceremony, pinasalamatan ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice-governor Mark Ronald DG. Lambino sa pagpasa ng 2023 Budget. Gayon din ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan sa paglalaan ng oras para maayos at matapos ang annual budget. Aniya, bagamat halos lahat ng LGUs ay may budget cut, nagawa pa ring paglaanan ng kailangang pondo ang bawat opisina.
Binanggit din ng Gobernador ang pagsisimula ng Christmas Season kung saan ang bawat departamento ay naatasang magkaroon ng Christmas decorations base sa tema ngayong taon.
Pinaalalahanan din niya ang Provincial Engineering Office na pinamumunuan ni OIC-Provincial Engineering Office Engr. Amadeo B. Veras at pakikipagtulungan ni Provincial Housing and Urban Development Coordinating Office Engr. Alvin Bigay para mapag-aralan ang epektibong flood control plan sa Capitol Complex. Kanya ding hinikayat ang Sangguniang Panlalawigan na magpasa ng resolusyon at ordinansa kung saan lahat ng itatayong establisyemento ay kailangang kumuha ng clearance sa engineering at housing office.
Categories
Press Release

PEACE AND ORDER PARA SA PAG-UNLAD NG PANGASINAN, TINALAKAY

Lingayen, Pangasinan- Matagumpay ang pagpupulong ng Provincial Development Council, Provincial Peace and Order Council at Provincial Anti-Drug Abuse Council nitong Oktubre 12 sa Sison Auditorium.
 
Sa pangunguna ni PDC-PPOC-PADAC Chairman and Gov. Ramon Mon-Mon Guico III at Vice-governor Mark Ronald Lambino, aprubado ang PDC Resolution No. 1 series of 2022 Supplemental Investment Program No. 5 at PDC Resolution No. 02 series of 2022 Annual Investment Plan (AIP) CY 2023. Makakatulong ito sa mga programa at proyekto ng pamahalaang panlalawigan.
Iniulat naman ni PCol. Jeff Fanged sa pamamagitan ni PLt. Col. Jerome P. Wangkey na bumaba ng 15 porsyento ang naitalang 4, 344 crime incidents sa lalawigan.
 
Ayon naman kay PDEA RO1-Pangasinan PO Prov’l Dir. Rechie Q. Camacho higit P2.4-bilyong halaga ng shabu at P2.4-milyong halaga ng marijuana ang kanilang nakumpiska mula Enero. Habang 92 sa abot 1, 800 barangays sa lalawigan ang drug-free.
 
Kasama rin sa pagpupulong sila SP members Vici Ventinilla at Apple Bacay, DILG Prov’l Dir. Paulino G. Lalata, Jr.-CESO V, PPO OIC-Prov’l Dir PCol. Jeff E. Fanged., Investigator Agent 5 PDEA-RO1 Prov’l Dir. Rechie Q. Camacho MPA, Acting PPDC and PDC Secretary Engr. Rowena V. Ignacio, mga alkalde, kinatawan, line national agencies, at civil society organizations.
Categories
Press Release

BUDGET HEARING PARA SA ANNUAL INVESTMENT PLAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, ISINAGAWA

Dumalo sa isinagawang budget hearing ng Sangguniang Panlalawigan (SP) nitong Nobyembre 3 sa Session Hall, ang iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan upang talayakin ang annual appropriations para sa taon 2023.

Isa-isang nagpresenta ng annual budget ang bawat departamento sa harap ng mga miyembro ng SP sa pamumuno ni Vice Governor Mark Ronald DG. Lambino.

Naroon sa naturang pagdinig si Governor Ramon V. Guico III. Ang naaprubahang annual budget ng buong Pamahalaang Panlalawigan para sa susunod na taon ay umabot sa P5,309,264,809.

Ang kabuuang budget para Annual Investment Plan (AIP) para sa 2023 ay nahati sa mga sumusunod: General Public Services, P1,890,882,907.00; Social Services, P2,229,757,801.00; at Economic Services, P1,188,624,101.00.

Categories
Press Release

BUDGET HEARING 2023

Dumalo at nakinig si Governor Ramon Mon-Mon Guico III sa annual budget hearing ng mga departamento ng Provincial Government para sa taong 2023.

Categories
Press Release

MGA NAGTAPOS SA BASIC SEWING TRAINING, MAY DAGDAG NA AYUDA

Para masiguro ang suporta sa pagkakaroon ng kabuhayan, tumanggap naman ng financial assistance ang abot 53 nagtapos ng basic sewing training na isinagawa ng TESDA at PESO noong Setyembre.
Katuwang ang Prov’l Government ng Pangasinan, nais nilang masiguro na magkakaroon ng kahit maliit na puhunan ang mga mananahi para masimulan ang sariling hanapbuhay.
Dumalo sa programa sina 1st District Board Member Apolonia de Guzman Bacay, at OIC, PESO Manager Ms. Ma. Richelle M. Raguindin.
Categories
Press Release

TUPAD PAYOUT SA SIYUDAD NG ALAMINOS

Isinagawa ang TUPAD payout sa 132 beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay ng Alaminos City, Pangasinan.
 
Sila ay nakatanggap ng tig 3,700 pesos kapalit ng kanilang 10 araw na paglilinis ng kani-kanilang mga barangay.
Labis ang pasasalamat ng mga beneficiaries at kanilang pamilya.
 
Ang Tulong Pangkabuhayan para sa Ating Disadvantaged/ Displaced (TUPAD) individuals ay programa ng Department of Labor and Employment katuwang ang pamahalaang panlalawigan sa liderato ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III na kinatawanan ni 1st District Board Member Apolonia de Guzman Bacay.
 
Kasama rin sa aktibidad sila Mayor Bryan Celeste, Field Office Head, DOLE -WPFO Darwin G. Hombrebueno at OIC, PESO Manager Ma. Richelle M. Raguindin.
Categories
Press Release

Youth leaders, hinikayat na manguna sa volunteerism para sa probinsiya

“Buhayin, palakasin ang volunteerism at magkaroon ng Provincial Volunteer Center” Ito ang naging mensahe na pinaabot ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III sa mga Local Youth Dev`t Officer’s na kinatawan ni Special Assistance to the Governor Von Mark Mendoza sa ginanap na Youth Development Officer’s Meeting and Re-orientation on LYDO Function sa Capitol Resort Lingayen, Pangasinan.
 
Abot 30 SK chairperson ang dumalo mula sa iba`t-ibang lugar sa Pangasinan. Napag-usapan nila ang mga sumusunod:
 
– Decentralization and Local Governance.
– SK history and salient features
– Meeting and Resolutions
– Planning and Budgeting
– Code of Conduct and Ethnical standards
 
Pinangunahan ang pagpupulong nila PSO IV/ Cluster Head National Youth Commission Ms. Sheridan Athena Y. Gajete, Ph.D, PSO I/SK Unit Staff NYC Mr. Dave Homer F. Ariola, TESDA Representative Mirasol A. Formento at TDO IV -PSWDO Ms. Florence N. Berba.
Categories
Press Release

Libring Bone Screening para sa mga Empleyado

TULOY ang medical services para sa mga Prov’l Employee ng Pangasinan na gustong sumailalim sa free osteoporosis, bone screening and spirometry pulmonary function test.
Layon ng programa sa mandato ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III na matiyak na nasa magandang kondisyon ang mga empleyado ng gobyerno para makapagbigay ng kalidad na serbisyo.
Categories
Press Release

Obra ng apat na national artists, tampok sa Dagop Datek Exhibit sa Casa Real

Buo ang suporta ng Provincial Government ng Pangasinan sa sining at kultura, kaya sa pangunguna ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III, binuksan ang Dagop Datek exhibit sa casa real sa Lingayen, Pangasinan.
Ang Dakop-Datek ay salitang Pangasinan na ibigsabihin ay pagtitipon-tipon at kulay na siyang sumasalamin sa mga iskultura at painting na tampok sa exhibit.
Kabilang dito ang mga obra ng apat na National Artists na sinikap ipakita sa publiko ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office.
Dinaluhan ito ng mga art enthusiast kabilang din sila Vice Governor Mark Lambino, Administrator Ely Patague, BM Philip Cruz, Binalonan Mayor Ramon Ronald V. Guico IV at ilan pang lokal na opisyal.
Magtatagal ang Exhibit hanggang Disyembre 2022.
Categories
Press Release

Special Job Fair hatid ng pamahalaang panlalawigan sa Western Pangasinan

17 Local Employers at 1 Overseas Employer ang lumahok sa special Job Fair sa Western Pangasinan kasama ang Provincial Employment and Services Office, Department of Labor and Employment Office at Alaminos City LGU.
Higit 300 naman ang job applicants kung saan 33 ang hired on-the-spot.
Sa mandato ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III, hangad ng pamahalaang panlalawigan na mabigyan ng oportunidad ang ating mga kababayan na magkaroon ng trabaho.
Naroon rin ang iba pang sangay ng gobyerno para makapagbigay serbisyo tulad ng Social Security System (SSS), Philhealth, Pag-ibig, TESDA at Department of Migrant Workers.
Categories
Press Release

Nagsagawa ng libreng sakay sa bangka ang Pangasinan Prov’l Government

Sa pangunguna ng PDRRMO at LGU Bayambang para maitawid ang mga apektadong residente matapos bumagsak ang Wawa bridge sa Bayambang, Pangasinan.
Una rito, nakipag-ugnayan na si Governor Ramon Mon-Mon Guico III sa DPWH region 1 para sa pagsasaayos ng tulay at sa hiling na isama na sa 2023 General Appropriations Act ng ahensiya ang pagtatayo ng bagong tulay sa Bayambang.
Categories
Press Release

MGA SENIOR CITIZEN SA LABRADOR, BINIGYANG PAGPAPAHALAGA

Sa selebrasyon ng 2022 Elderly Filipino Week ay nagsagawa ang LGU-Labrador sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office at Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines ng Induction Program of Municipal Federation of Senior Citizens at Barangay Senior Citizens’ Association Officers sa Motorpool, Labrador.
Naging kinatawan ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III si Special Assistant to the Governor Von Mark Mendoza. Sa kanyang mensahe, kanyang tiniyak na sa ilalim ng pamamahala ni Gov. Guico ay mararamdaman ang serbisyo sa bawat senior citizen.
Ang Elderly Filipino Week ay ginugunita tuwing unang linggo ng Oktubre. Ngayong taon, ito ay may temang: Old Persons: Resilience in Nation Building. Ang selebrasyon ay batay sa Presidential Proclamation No. 470, na inisyu sa panahon ni dating Presidente Fidel Ramos noong September 26, 1994 upang bigyang karangalan ang malaking kontribusyon ng ating nakatatanda sa ating lipunan.