Nagpasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan na pinamumunuan ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III ang Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ni Dr. Armando Q. Ganal, Regional Director, DOST I dahil sa oportunidad na maisagawa ang 3-day 2022 Regional Science and Technology Week(RSTW) na may temang “Agham at Teknolohiya: Kabalikat sa Maunlad at Matatag na Kinabukasan” sa Pangasinan Training and Development Center (PTDC) simula Nobyembre 9 hanggang Nobyembre 11.
“We are very grateful to the provincial government of Pangasinan for this very beautiful venue to get people together to learn and discuss about science,’ ito ay bahagi ng mensahe ni RD Ganal sa opening program.
Isinagawa ang Technology Exhibits sa PTDC 2 kung saan tinatayang nasa 19 exhibitors ang nakilahok mula sa rehiyon kabilang ang mga DOST attached agencies upang mapresenta ang latest technologies on Research and Development at ang Filipino Investors Society para maibahagi ang kanilang mga tuklas sa ating mga kababayan.
Kasama sa mga dumalo sina Romeo M. Javate, Chief SRS, Investment and Operation Division, DOST TAPI,Racquel M. Espiritu, ARD for Technical Services, DOST 1, Engr. Arnold Santos, Provincial Science and Technology Director for the Province of Pangasinan, Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, DOST officers and members, Officials of Pangasinan State University (PSU) and other institutions, technology exhibitors, Filipino Investor Society Cooperative, media personalities and students from the different schools.