Lingayen, Pangasinan- Matagumpay ang pagpupulong ng Provincial Development Council, Provincial Peace and Order Council at Provincial Anti-Drug Abuse Council nitong Oktubre 12 sa Sison Auditorium.
Sa pangunguna ni PDC-PPOC-PADAC Chairman and Gov. Ramon Mon-Mon Guico III at Vice-governor Mark Ronald Lambino, aprubado ang PDC Resolution No. 1 series of 2022 Supplemental Investment Program No. 5 at PDC Resolution No. 02 series of 2022 Annual Investment Plan (AIP) CY 2023. Makakatulong ito sa mga programa at proyekto ng pamahalaang panlalawigan.
Iniulat naman ni PCol. Jeff Fanged sa pamamagitan ni PLt. Col. Jerome P. Wangkey na bumaba ng 15 porsyento ang naitalang 4, 344 crime incidents sa lalawigan.
Ayon naman kay PDEA RO1-Pangasinan PO Prov’l Dir. Rechie Q. Camacho higit P2.4-bilyong halaga ng shabu at P2.4-milyong halaga ng marijuana ang kanilang nakumpiska mula Enero. Habang 92 sa abot 1, 800 barangays sa lalawigan ang drug-free.
Kasama rin sa pagpupulong sila SP members Vici Ventinilla at Apple Bacay, DILG Prov’l Dir. Paulino G. Lalata, Jr.-CESO V, PPO OIC-Prov’l Dir PCol. Jeff E. Fanged., Investigator Agent 5 PDEA-RO1 Prov’l Dir. Rechie Q. Camacho MPA, Acting PPDC and PDC Secretary Engr. Rowena V. Ignacio, mga alkalde, kinatawan, line national agencies, at civil society organizations.