Sa selebrasyon ng 2022 Elderly Filipino Week ay nagsagawa ang LGU-Labrador sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office at Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines ng Induction Program of Municipal Federation of Senior Citizens at Barangay Senior Citizens’ Association Officers sa Motorpool, Labrador.
Naging kinatawan ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III si Special Assistant to the Governor Von Mark Mendoza. Sa kanyang mensahe, kanyang tiniyak na sa ilalim ng pamamahala ni Gov. Guico ay mararamdaman ang serbisyo sa bawat senior citizen.
Ang Elderly Filipino Week ay ginugunita tuwing unang linggo ng Oktubre. Ngayong taon, ito ay may temang: Old Persons: Resilience in Nation Building. Ang selebrasyon ay batay sa Presidential Proclamation No. 470, na inisyu sa panahon ni dating Presidente Fidel Ramos noong September 26, 1994 upang bigyang karangalan ang malaking kontribusyon ng ating nakatatanda sa ating lipunan.