Bunga ng dedikasyon at patuloy na pagpapatupad ng mga mahahalagang programa para sa pagpapa-unlad ng empleyo at trabaho sa probinsiya, ginawaran ng natatanging parangal ang Provincial Government of Pangasinan at Pangasinan PESO ng DOLE Region 1 sa ginanap na Regional PESO Congress noong March 8-10, 2023 na may temang SIKAT, PESO o “Salamat sa Inisyatiba, Kahusayan, Aktibong Pagtugon, at Tapat na Serbisyo, PESO.”
Ito ang handog at pagkilala ng DOLE Region 1 Office sa mga tagumpay, sipag, at galing ng mga Public Employment Service Offices sa Rehiyon Uno.
Ngayong taon, iginawad sa pangunguna ni DOLE Secretary Atty. Bienvenido E. Laguesma at DOLE Regional Director Exequiel Ronie Guzman ang Plaques of Recognition para sa Provincial Government of Pangasinan, para sa patuloy na pagsuporta sa mga programang makakapagbigay trabaho sa mga Pangasinenses, at Pangasinan PESO, bilang Regional Winners sa Hall of Fame Category ng Secretary’s PESO Bayanihan Service Award.
Ang pagkilalang ito ang nagsisimbolo ng epektibo at napapanahong programa sa kabila ng mga hamon ng panahon para makatulong sa empleyo at paggawa ng mga Pangasinense.
Nabigyan din ng pagkilala bilang SIKAT Pagsibol Awardee o Rookie PESO Manager of the Year ang kasalukuyang PESO Manager ng Probinsiya, Ms. Ma. Richelle M. Raguindin bilang patunay ng kaniyang galing sa aktibong pagpapatupad ng mga employment facilitation programs and initiatives ng Probinsiya.
Matagumpay ding nanguna ang Pangasinan PESO sa iba’t ibang larangan ng pagbibigay serbisyo gaya ng:
Regional Category:
· Top Performing PESO Job Fair CY 2022 – Highest Number of Job Fair Conducted · Top Performing PESO Job Fair CY 2022 – Highest Number of Hired on the Spot
· Top Performing PESO SPES CY 2022 – Highest Number of Beneficiaries Provided with Assistance
Provincial Category:
· Top Performing PESO Job Fair CY 2022 – Highest Number of Hired on the Spot
· Top Performing PESO SPES CY 2022 – Highest Number of Beneficiaries Provided with Assistance
· Top Performing PESO NSRP CY 2022 – Highest Number of Reported Placement thru PEIS · Top Performing PESO NSRP CY 2022 – Highest Number of Registered Applicants
· Top Performing PESO NSRP CY 2022 – Highest Number of Registered Employers · Top Performing PESO Job Fair CY 2022 – Highest Number of Job Fair Conducted
· Top Performing PESO Labor Market Information CY 2022 – Highest Number of Individuals Reached thru LMI
Special Citation for timely and complete submission of PESO SPRS Reports for CY 2022
Taos-pusong nagpapasalamat ang Pangasinan PESO sa Department of Labor and Employment (DOLE), mga kumpanya, at mga aplikante para sa mga nakamit na parangal.
Ang lahat ng ito ay sumisimbolo sa pakikiisa sa layunin ng Provincial Government of Pangasinan sa pamumuno ni Hon. Ramon “Mon-Mon” V. Guico III na magsilbing tanglaw sa mga komunidad at magbigay ng serbisyo publiko na puno ng pagmamahal at puso sa trabaho.
Relevant Links:
Facebook Video: https://fb.watch/lqb3t5P2gX/
Photos from DOLE Region 1:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid0TcyDGr4us2BCBLRX1nFa3ASBCgff69gUdavpiWk7897Z mZkoUxNtJ926UREvFYfql&id=100089785077342&mibextid=Nif5oz