Categories
Press Release

Masaya at nabuhay ang pagasa ng mga salt farmers at mga stakeholders matapos mapag usapan ang pagpapatuloy ng salt production sa lalawigan sa isinagawang pagpupulong sa bayan ng Bolinao, Pangasinan.

Sinabi ni Pangasinan Governor Ramon Mon-Mon Guico III na handa ang lalawigan upang payabungin ang salt industry na tatak ng “Pangasinan”.

Giit ng gobernador, hindi lamang asin dahil maging ang turismo sa salt farm ay tututukan na siyang tinatayang magbibigay ng mas marami pang trabaho sa mga Pangasinense.

Ipinasakamay ng DENR Central Office sa lokal na pamahalaan ng Pangasinan ang pamamahala sa itinuturing na ikalawa sa pinakamalaking salt producer sa bansa kamakailan.

Nasa pagpupulong sina Pangasinan DENR Regl Exec Director Crizaldy Barcelo, Vice Governor Mark Lambino, 1st District Congressman Art F. Celeste, BM Vici Ventanilla, LIGA Pres. Arth Celeste, Provincial Administrator Ely Patague, mga Department Heads ng Lalawigan, Bolinao Mayor Alfon Celeste, VMayor Richard Celeste, at Gerald Khunghun ng Pacific Farm Inc.

Categories
Press Release

CEREMONIAL MOA SIGNING SA PAGITAN NG PROV’L GO’VT, KASAMA KITA SA BARANGAY FOUNDATION INC., UST MEDICAL ALUMNI ASSOCIATION AT MEMPHIS OUTREACH GROUP, GINANAP

Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III, Kasama Kita Barangay Foundation Inc. Chairman at Founder former Mayor Dr. Cezar T. Quiambao Bayambang District Hospital Chief Dr. Athena Marie C. Merrera, Memphis Outreach Group at University of Sto. Tomas Medical Alumni Association na pinamumunuan ni Dr. Dionisio B. Yorro, Jr. sa isasagawang Medical at Surgical Mission sa bayan ng Bayambang.

Sa mensahe ni Gov. Guico, kanyang pinasalamatan sina former Mayor Cesar T. Quiambao at kanyang maybahay Mayora Mayor Niña Jose-Quiambao sa kanilang ipinagkaloob na bagong operating rooms sa BDH at gagawing surgical mission para sa 1,200 pasyenteng mabebenepisyuhan nito sa darating na Enero 23 hanggang 27.

Sinabi din ng gobernador na ang magiging counterpart ng probinsya ay ang anesthesia machine, diskwento sa laboratory fee at iba pang medical supply.
Dagdag pa ng Gobernador, ang probinsya ay naglaan ng P500-million na budget, iba pa ang tulong na magmumula sa mga national leaders para sa lahat ng ospital. Nakipagkasundo rin siya sa Region 1 Medical Center para sa human resource at mga espesyalistang duktor.

Ayon kay former Mayor Quiambao, mayroon ng modern operating rooms ang ospital. “Sana tuloy-tuloy ang ating pagsasama kasi pare-pareho naman tayo ng objective sa ating trabaho, we are for public service” dagdag pa niya.

Naroon sa nasabing seremonya sila HMSO Administrator Dr. Dalvie Casilang, MHO Dr. Paz F. Vallo, BDH Chief Dr. Athena Marie C. Merrera, Dr. Roberto B.

Gabriel, Dr. Vissia Galvez, Dr. Elizabeth Bautista, Dr. Macrina Iglesias, Dr. Kathleen De Vera, mga nurses at empleyado ng ospital.

Categories
Press Release

WWII VETERANS NG PANGASINAN, GINAWARAN NG PLAKE NG PAGKILALA AT PARANGAL

Sa 78th Lingayen Gulf Landings at 16th Pangasinan Veterans Day commemoration, walong beteranong Pangasinense ang pinagkalooban ng plake ng pagkilala, medalya at sampung libong piso ng provincial government ng Pangasinan.

Kasama sa ginawaran ng parangal ay sila PFC Ricardo C. Manzano (97 taong gulang), PVT Pedro T. Hiteroza (98 taong gulang), PVT Juan DG Cristobal (98 taong gulang), PFC Marcelo M. Tapiador (98 taong gulang), CPL Victorina G. Urmaza (99 taong gulang), PFC Hospicio N. Mallari (101 taong gulang), CPL Adriano S. Salomon (102 taong gulang) at PFC Valentin M. Untalan (106 taong gulang).

Sa bahagi ng mensahe ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III, kanyang hinimok ang pagsasanib pwersa at pagtutulungan ng institusyong pang-edukasyon, Center for Pangasinan Studies, mga mambabatas, nasyonal at lokal na mga opisyal ng gobyerno upang maglunsad ng mga proyekto at programa sa pagkamit ng mga layunin na maitanim sa puso at isipan ng bawat kabataan at mga susunod pang henerasyon ang kabayanihan at kagitingan ng mga beteranong nakipaglaban para sa kalayaan.

Binigyang diin din ng Gobernador ang importansiya ng panunumbalik sa Reserve Officer Training Course o ROTC sa kolehiyo para turuan ng disiplina at pagiging makabayan ang kasalukuyang henerasyon.

Hinarana naman ng “The Nightingales” duo na sina Keiko Cresida Cayanga at Bernadette Mamauag ang mga beterano sa pamamagitan ng mga kundiman selection songs na isang highlight din ng pagtitipon.

Categories
Press Release

MGA BETERANO NG WORLD WAR II, BIBIGYANG PUGAY SA ISASAGAWANG 78th LINGAYEN GULF LANDINGS AT 16th PANGASINAN VETERANS DAY

Ika nga ni Richard “Doc” Hastings na isang U.S. representative ng Washington, “We owe our World War II veterans-and all our veterans-a debt we can never fully repay.” Kaya sa paggunita sa kadakilaan at kabayanihan ng mga World War II veterans, ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Ramon V. Guico III katuwang ang Philippine Veterans Bank at Philippine Veterans Affairs Office ay isasagawa ang 78th Lingayen Gulf Landings at 16th Pangasinan Veterans Day sa Veterans Memorial Park, January 9, 2023 bilang pagpupugay sa kanilang sakripisyo upang makamit ang tinatamasang kapayapaan at kalayaan ng bawat isa. Ito ay sisimulan ng isang Misa ng Pasasalamat sa ganap na alas-siete ng umaga na pangungunahan ni Rev. Fr. Emil A. Soriano ng Epiphany of Our Lord Co-Cathedral Parish na susundan ng Symbolic Wreath Laying Ceremony. Pormal ding bubuksan ang “WAR OF OUR FATHERS”-A Brotherhood of Heroes photo and artifact exhibit na maaaring bisitahin mula Enero 9 hanggang 13 (9:00am-5:00pm) sa Pangasinan Training and Development Center I, Capitol, Complex, Lingayen, Pangasinan. Sa Executive Order No. 0252-2022, sinabi ni Gov. Guico III na ang makasaysayang pangyayari na ito ay napakahalaga upang mabigyan ng pagkilala ang katapangan, pagpapakasakit, at pagkamakabayan ng mga Pilipino partikular ang mga Pangasinan guerillas ng World War II, mga sundalo, freedom fighters at mga bayani ng kasalukuyang panahon.