Categories
Press Release

TECHNOLOGY EXHIBIT NG DOST, BINUKSAN SA LINGAYEN CAPITOL COMPOUND

Nagpasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan na pinamumunuan ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III ang Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ni Dr. Armando Q. Ganal, Regional Director, DOST I dahil sa oportunidad na maisagawa ang 3-day 2022 Regional Science and Technology Week(RSTW) na may temang “Agham at Teknolohiya: Kabalikat sa Maunlad at Matatag na Kinabukasan” sa Pangasinan Training and Development Center (PTDC) simula Nobyembre 9 hanggang Nobyembre 11.
“We are very grateful to the provincial government of Pangasinan for this very beautiful venue to get people together to learn and discuss about science,’ ito ay bahagi ng mensahe ni RD Ganal sa opening program.
Isinagawa ang Technology Exhibits sa PTDC 2 kung saan tinatayang nasa 19 exhibitors ang nakilahok mula sa rehiyon kabilang ang mga DOST attached agencies upang mapresenta ang latest technologies on Research and Development at ang Filipino Investors Society para maibahagi ang kanilang mga tuklas sa ating mga kababayan.
Kasama sa mga dumalo sina Romeo M. Javate, Chief SRS, Investment and Operation Division, DOST TAPI,Racquel M. Espiritu, ARD for Technical Services, DOST 1, Engr. Arnold Santos, Provincial Science and Technology Director for the Province of Pangasinan, Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, DOST officers and members, Officials of Pangasinan State University (PSU) and other institutions, technology exhibitors, Filipino Investor Society Cooperative, media personalities and students from the different schools.
Categories
Press Release

SP, nagpasa ng 2 Ordinansa at 14 Resolusyon sa kanilang unang session ngayong Nobyembre

Sa regular session nitong Nobyembre 7, Nagpasa ng dalawang ordinansa at 14 resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Governor Mark Ronald DG. Lambino, sa kanilang unang sesyon para sa buwan ng Nobyembre.
Sa kanilang regular session nitong Nobyembre 7, ang ordinansa para sa pag-adopt ng Local Public Transport Route Plan (LPTRP) at pag-regulate ng hauling at transporting ng sand, gravel, at iba pang quarry materials ang inaproba ng mga miyembro ng SP.
Ang pagkakaroon ng maayos at organisadong transport system ang nais maisakatuparan ng liderato ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III. Kasama din sa prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ang pagsasaayos ng ‘hauling at transporting ng quarry materials’ sa lalawigan.
 
Dagdad pa dito, may 14 magkakaibang resolusyon ang sinang-ayunang maipasa ng miyembro ng SP.
Categories
Press Release

GOV. GUICO, PRAYORIDAD ANG PAGLALAGAY NG LAND TRANSPORT TERMINAL SA BAWAT BAYAN

Lalawigan ng Pangasinan ang pinakauna sa Region 1 ang nakakumpleto ng Local Public Transport Route Plan.
Importante ito para sa transportation modernization program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB
na inaasahan ang full implementation sa Marso 2023.
Kaugnay nito, prayoridad din daw ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III ang pagkakaron ng Land Transport Terminal sa bawat bayan. Sa pamamagitan daw nito ay maaayos ang trapik at katiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Dumalo sa awarding sila Vice Governor Mark Ronald Lambino, BM Vici Ventanilla, LTFRB Chief Transport Development Officer Atty Annabel Marzan-Nullar, PPD Officer Engineer Rowena Ignacio at lider ng mga Transport Cooperative ng Pangasinan.
Categories
Press Release

Gov. Ramon V. Guico III, nagpasalamat sa miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at mga departamento sa paghahanda at pagpasa ng 2023 Budget

Sa regular flag raising ceremony, pinasalamatan ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice-governor Mark Ronald DG. Lambino sa pagpasa ng 2023 Budget. Gayon din ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan sa paglalaan ng oras para maayos at matapos ang annual budget. Aniya, bagamat halos lahat ng LGUs ay may budget cut, nagawa pa ring paglaanan ng kailangang pondo ang bawat opisina.
Binanggit din ng Gobernador ang pagsisimula ng Christmas Season kung saan ang bawat departamento ay naatasang magkaroon ng Christmas decorations base sa tema ngayong taon.
Pinaalalahanan din niya ang Provincial Engineering Office na pinamumunuan ni OIC-Provincial Engineering Office Engr. Amadeo B. Veras at pakikipagtulungan ni Provincial Housing and Urban Development Coordinating Office Engr. Alvin Bigay para mapag-aralan ang epektibong flood control plan sa Capitol Complex. Kanya ding hinikayat ang Sangguniang Panlalawigan na magpasa ng resolusyon at ordinansa kung saan lahat ng itatayong establisyemento ay kailangang kumuha ng clearance sa engineering at housing office.
Categories
Press Release

PEACE AND ORDER PARA SA PAG-UNLAD NG PANGASINAN, TINALAKAY

Lingayen, Pangasinan- Matagumpay ang pagpupulong ng Provincial Development Council, Provincial Peace and Order Council at Provincial Anti-Drug Abuse Council nitong Oktubre 12 sa Sison Auditorium.
 
Sa pangunguna ni PDC-PPOC-PADAC Chairman and Gov. Ramon Mon-Mon Guico III at Vice-governor Mark Ronald Lambino, aprubado ang PDC Resolution No. 1 series of 2022 Supplemental Investment Program No. 5 at PDC Resolution No. 02 series of 2022 Annual Investment Plan (AIP) CY 2023. Makakatulong ito sa mga programa at proyekto ng pamahalaang panlalawigan.
Iniulat naman ni PCol. Jeff Fanged sa pamamagitan ni PLt. Col. Jerome P. Wangkey na bumaba ng 15 porsyento ang naitalang 4, 344 crime incidents sa lalawigan.
 
Ayon naman kay PDEA RO1-Pangasinan PO Prov’l Dir. Rechie Q. Camacho higit P2.4-bilyong halaga ng shabu at P2.4-milyong halaga ng marijuana ang kanilang nakumpiska mula Enero. Habang 92 sa abot 1, 800 barangays sa lalawigan ang drug-free.
 
Kasama rin sa pagpupulong sila SP members Vici Ventinilla at Apple Bacay, DILG Prov’l Dir. Paulino G. Lalata, Jr.-CESO V, PPO OIC-Prov’l Dir PCol. Jeff E. Fanged., Investigator Agent 5 PDEA-RO1 Prov’l Dir. Rechie Q. Camacho MPA, Acting PPDC and PDC Secretary Engr. Rowena V. Ignacio, mga alkalde, kinatawan, line national agencies, at civil society organizations.
Categories
Press Release

BUDGET HEARING PARA SA ANNUAL INVESTMENT PLAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, ISINAGAWA

Dumalo sa isinagawang budget hearing ng Sangguniang Panlalawigan (SP) nitong Nobyembre 3 sa Session Hall, ang iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan upang talayakin ang annual appropriations para sa taon 2023.

Isa-isang nagpresenta ng annual budget ang bawat departamento sa harap ng mga miyembro ng SP sa pamumuno ni Vice Governor Mark Ronald DG. Lambino.

Naroon sa naturang pagdinig si Governor Ramon V. Guico III. Ang naaprubahang annual budget ng buong Pamahalaang Panlalawigan para sa susunod na taon ay umabot sa P5,309,264,809.

Ang kabuuang budget para Annual Investment Plan (AIP) para sa 2023 ay nahati sa mga sumusunod: General Public Services, P1,890,882,907.00; Social Services, P2,229,757,801.00; at Economic Services, P1,188,624,101.00.

Categories
Press Release

BUDGET HEARING 2023

Dumalo at nakinig si Governor Ramon Mon-Mon Guico III sa annual budget hearing ng mga departamento ng Provincial Government para sa taong 2023.

Categories
Press Release

MGA NAGTAPOS SA BASIC SEWING TRAINING, MAY DAGDAG NA AYUDA

Para masiguro ang suporta sa pagkakaroon ng kabuhayan, tumanggap naman ng financial assistance ang abot 53 nagtapos ng basic sewing training na isinagawa ng TESDA at PESO noong Setyembre.
Katuwang ang Prov’l Government ng Pangasinan, nais nilang masiguro na magkakaroon ng kahit maliit na puhunan ang mga mananahi para masimulan ang sariling hanapbuhay.
Dumalo sa programa sina 1st District Board Member Apolonia de Guzman Bacay, at OIC, PESO Manager Ms. Ma. Richelle M. Raguindin.