Isinagawa ang TUPAD payout sa 132 beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay ng Alaminos City, Pangasinan.
Sila ay nakatanggap ng tig 3,700 pesos kapalit ng kanilang 10 araw na paglilinis ng kani-kanilang mga barangay.
Labis ang pasasalamat ng mga beneficiaries at kanilang pamilya.
Ang Tulong Pangkabuhayan para sa Ating Disadvantaged/ Displaced (TUPAD) individuals ay programa ng Department of Labor and Employment katuwang ang pamahalaang panlalawigan sa liderato ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III na kinatawanan ni 1st District Board Member Apolonia de Guzman Bacay.
Kasama rin sa aktibidad sila Mayor Bryan Celeste, Field Office Head, DOLE -WPFO Darwin G. Hombrebueno at OIC, PESO Manager Ma. Richelle M. Raguindin.