July 20, 2018, Filed under Capitol Bulletin

severe tropical storm inday 2 severe tropical storm inday

 

Lumakas pa at nasa Severe Tropical Storm Category na ang bagyong #IndayPH na may international name na #Ampil.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 90 kph at bugsong hanggang 115 kph. Kumikilos pa rin ito pa Northwest sa bilis na 15kph.

Sa forecast track ng Dost_pagasa, inaasahang bukas ng umaga ay nasa labas na ng PHL Area of Responsibility ang bagyong Inday.

May panibago naman Low Pressure Area sa labas ng PHL Area of Responsibility. Nasa may West PHL Sea ito – 475 km West ng Laoag City, Ilocos Norte. Ayon sa PAGASA, posible itong pumasok ng PAR sa weekend. Mababa naman daw ang tsansa na maging bagyo ito sa susunod na 24 oras.

Pero nagtutulong ang bagyong Inday at ang Low Pressure Area sa pagpapalakas ng Southwest Monsoon o #habagat na patuoly na magpapaulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Tarlac at Nueva Ecija. May minsanan namang malalakas na ulan sa #MetroManila at iba pang bahagi ng #Luzon hanggang sa weekend. #IMReady

 

 

Leave a Reply

 

 

Like us on Facebook
Follow us on Twitter
Monthly Archives