March 18, 2017, Filed under In Focus

web_kalusugan karavan

Patuloy na umiikot ang Kalusugan Karavan sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan upang maghatid ng serbisyong pangkalusugan.

Ang programang ito ay isa sa mga pangunahing programa ni Gobernador Amado I. Espino III.

Tinungo ni Unang Ginang Karina Padua-Espino, kasama ang mga kawani ng Provincial Health Office, ang bayan ng Sto. Tomas at Bautista upang tugunan ang pangangailangang pangkulusugan ng mga Pangasinense lalung-lalo na ang mga nasa malalayong barangay ng lalawigan.

Nakibahagi rin sa programa sina Sto. Tomas Mayor Timoteo Villar III; Bautista Mayor Amadeo T. Espino; Municipal Health Officer Dr. Alfredo Laguardia; Teresita Cabrera, Principal ng A. Diaz, Sr Elementary School; at Brgy. Captain Freddie Marzan.

 

 

Leave a Reply

 

 

Like us on Facebook
Follow us on Twitter
Monthly Archives